Tungkol sa amin

HIGOP boy

Ang HIGOP nagsimula sa simpleng usapan lang—mula 'kwentuhan' naging 'negosyong kapehan.' Ako at ang brother-in-law ko, mahilig mag-isip ng mga ideya, nangangarap na magtayo ng sariling negosyo. Isa sa mga paborito naming plano? Isang kanto-style na coffee booth na kayang magbigay ng premium na kape pero hindi premium ang presyo. Pero syempre, gaya ng maraming plano, naisantabi at nakalimutan na lang.

Hanggang sa dumating ang pagkakataon.

Ako, ang asawa ko, at ang brother-in-law ko, nag-franchise kami ng food business na Mi Pastil. Ang pagkain? Swabe! Pero ang problema? Walang inumin! Alam namin agad kung ano ang kulang. Kaya imbes na magbenta ng ibang brand, gumawa kami ng sarili naming—HIGOP. Nagsimula ito bilang simpleng solusyon, pero biglang lumaki at nagkaroon ng sariling buhay.

At ang pinaka-astig? Hindi doon natapos. Nakita ng founder ng Mi Pastil ang potential ng HIGOP at sumali siya bilang partner. Ako din, naging partner sa Mi Pastil. Mula sa maliit na ideya, naging full-blown na negosyo, parang puzzle na biglang nabuo.

Ngayon, ang HIGOP hindi lang basta coffee booth. Isa na itong movement. Paalala na ang masarap at de-kalidad na kape, hindi kailangang mahal o intimidating. Dito tayo para maghatid ng kape sa kalsada—simple, masaya, at swabe.

At ngayon, andito na tayo—mula sa kwentuhan, naging kapehan.

Back to blog